litanya

2/5/14

Bagong taon ang dami kong reklamo. Nag-f-flare ba myositis ko o mataas lang upuan ko? O baka naman kasi inikot ko kama ko? O baka tira to nung bumagsak kanang puwet ko sa upuan nung bagong taon?

Siguro lampas isang linggo na nung pagtayo ko pagtapos maligo eh may nangyari sa right hip ko, parang may naipit na ugat o ewan, basta di ako makatayo sa kanang tuhod at paa kasi bumibigay, di ko sila maramdaman, tapos sumasakit sa balakang pang pinipilit ko. Buti naman at handa ang kasama ko kaya di ako natumba, pareho kaming nagtaka talaga. Bumalik naman ang pakiramdam sa kanang binti kinagabihan pero tila may nangyari nga, may nararamdaman akong nagbago, di siya maganda. Kailangan ko pa tuloy na may bantay simula nun pag naglalakad kasi alanganin, nakakatakot. Pati ba naman lakad mawawala pa? Wag naman po.

Nagkaka-ewan naman talaga ako, bad days kung baga. Sobrang 20 years nato, alam ko na yun. Usually, pag may ganun, pagkapahinga at iwas stress ng ilang araw, bumabalik naman na parang walang nangyari. Relax lang ba at bawas galaw, yun ang importante. Tapos, pag oks na, galaw na ulit at isip-isip din kung bakit nagka-ewan 'tas iwasan yun kung kaya para di mangyari ulit. Ilang taong PT, may statute of limitations baga, hanggang dun nalang ang mababalik kaya igalaw ang natira para di mawala, pray na di na mag-flare pa.

Pero ngayon parang matagal ata. Nararamdaman ko pa yung sa kanang balakang ko, parang kurot sa ugat. Naisip ko nga na tira ba ito nung bagsak ko nung NYD? Nalamog din ng ilang araw likod ko nun, ang sakit, delayed reaction daw. Baka nabalian ako nun? Pa-x-ray ko kaya? Di ko muna pipilitin, baka lumalala. Basta nahihirapan ako.

Emotional at mental din to. Yun madalas nakakalimutan ng madaming tao. Nung pasko may kumausap sakin, small talk, ang problema eh nainsulto ako. Di nila ma-accept, sinabi ko kailangan maging realistic ang goals para maka-move on at tuloy ang buhay. Di daw, malay daw namin, magka-miracle daw. Ano yun? Tigil na, di worth living buhay ko kasi di ako nakakatayo mag-isa? Eh nawala nga yun eh, lampas sampung taon na, di na mabalik. Ilang taon ng PT, pati chiro, pati immuno, ivig (nakatulong to parang magic), ilang milyong pesoses na malamang ang inabot, pawis, ire, luha, wala na talaga. Di ma-gets na ang goal ay i-maintain ang natira para tuloy ang buhay... at ituloy ang buhay.

Naturuan na ko ng mga nagagawa ko mag-isa. Alam ko sakit ko at lagi ako updated dun kaya iwas takot, iwas alala. Tingin kasi nila di galaw yun kung wala ka sa rehab kung san may PT na nagbubuhat ng mga binti at braso mo, labo no? Di ko na kayang tumayo mag-isa pero yung lakad, ipipilit ko yun. Pag good days, walang takot yun, diretso, ang sarap, ayaw ko nang umupo ulit. Kaya pag humingi ako ng tulong, alanganin na yun, delikado na, di ako nagbibiro.

At eto pa, yung dating pa sakin nun, kasalanan ko at eto ang sakit ko. Ano to, parusa? Ano naman ang ginawa ko nung ako'y musmos pa at nung musmos pa ako nung ito'y nagsimula?

Malamang hindi naman ganun pero siyempre sensitive eh. Nalungkot talaga ako nun. Eh ambigat pag nalulungkot diba? Sabayan pa ng galit at inis, naku, naninigas katawan ko pag ganun. Dala-dala ko yun, umabot hanggang New Year's, yan tuloy, naaksidente ako. Oo, sinisisi ko yun kasi ambigat ng puso at katawan ko pagtapos nun. Sana may erase-erase ang utak kasi ganun na kagrabe epekto sakin ng maling salita, susmaryosep. Iwas na lang sa ganung tao kung kaya. Kala kasi nila nakakatulong ang ganung satsat e di naman. Ewan, dapat let it go kasi nakakahina ng katawan, ako nahihirapan, mga tao sa paligid ko nahihirapan, tinitiis ako. Erase-erase.

Nakaka-stress din pag may sumisigaw, may pinapagalitan. Totoo nga na pag-maysakit, gusto mo tahimik para iwas stress. Problema, di mo mabago attitude ng ibang tao. Pero mahaba na to, next time or never nalang yun.
Previous Post
« Prev Post
Next Post
Next Post »

Comments

Popular posts from this blog

December in food pics 2023

Cold, Windy, Audacity, Congee

Panda Express Everyday Bowl PH