Posts

October in food pics 2023

Image
Angel's Pizza, dried espada, Palm corned beef with juices... Angel's Pizza  Creamy Spinach Dip - masarap, chewy yung crust Angel's Pizza Chicken Fingers - hindi masarap, maalat Dried Espada (fish) - masarap. Pahaba sya, pinaputol ko lang bago i-serve para malinis kainin. Paminsan-minsan lang ito kasi mabaho talaga iprito ang mga dried fish. Mahal ang 'uga' nato dito samin, ~150 pesos na ang 100g. Shop Lazada Palm Corned Beef with Juices - masarap pag prinito with sibuyas. Shop Lazada

Purefoods Corned Beef nagbago ang lasa?

Image
Nagbago ang lasa ng Purefoods corned beef? Hindi na sya kasing sarap ng dati. Medyo matagal na namin napansin yung pagkakaiba. Kumintab ang hibla ng baka... parang plastic. Oks naman pag bagong luto at mainit pa, pero parang nag-iba na sya.

Jollibee Coffee Float (2023)

Image
Cold coffee + ice cubes + vanilla soft serve. Masarap. Yummy. Ala carte at P62.00 or +P34.00 with a meal set (via Grab food). Tamang tama sa mainit at malagkit na panahon itong coffee float ng Jollibee .

Tapsilog ng Calle Tapsilog

Image
Ang "si" sa tapsilog ng Calle Tapsilog ay hindi sinangag. Sinaing lang daw. Ang beef tapa nila ay stewed sa marinade kaya malambot ang laman at saucy. Nung unang bumili ako nito nung 2017 , akala ko nagkamali yung dineliver kasi tapa ang inorder ko. Tapa din pala tawag nila dito. Yung kinalakihan ko kasing tapa ay tuyo at naprito. Masarap din ito kasi parang halo ng adobo at asado.