deadma

Naghahanap ako ng mabibilhan ng bagong router online, pang-backup kung bumigay na yung luma (wrt54g). Anim na taon na siyang sumeserbisyo, baka malapit nang ma-dedo. Payo sakin kunin ko ay N para mas mabilis at dapat may external antenna. Meron na akong minamata (buffalo airstation n150) pero ang problema, deadma ang nagbebenta. Weemall, gising. Ok sana Weemall kasi nakabili nako dun dati, ay, 2011 pa pala yun. So, ano? Pinabayaan na weemall[dot]com? Mukha nga. Sige na nga, hanap nalang ng iba. Eto, si villman[dot]com at si asianic[dotcomdotph]. Naku, matagal ko na nakikita ang mga to. Sila talaga walang sagot kahit kelan. Wag na sana nilang lagyan ng online store ang website nila. Nakakaloko na, nakakasayang ng oras.
Previous Post
« Prev Post
Next Post
Next Post »

Comments

Popular posts from this blog

Cold, Windy, Audacity, Congee

Paymaya duplicate account 2018 [fixed]

GlobeAtHome no internet [fixed]